Philippines

Abueva sa Ginebra, Magnolia bomalabs pa

HINDI pa man natatapos ang kanyang pagsisilbi sa ipinataw na suspensiyon ay posibleng bagong uniporme na ang isusuot at may bagong bahay na uuwian ang tinaguriang ‘The Beast’ na si Calvin Abueva.

Ito ay matapos umugong ang usapan ng posibleng paglipat ng dating Alaska Aces at ngayon ay miyembro ng Phoenix Fuel Masters na si Abueva alinman sa sister team na Barangay Ginebra o Magnolia Hotshots.

Sakaling makumpirma ang paglipat ni Abueva, makakasama nito ang kaprobinsiya at kakampi sa San Sebastian Stags na si Ian Sangalang na siyang pundasyon ngayon ng ‘Pambansan Manok’.

Sina Sangalang at Abueva ang naging sandigan ng Stags sa NCAA sa ilang sunod na titulo.

Related Posts

Ibang team lugi pero ‘di ibebenta

Bawas sweldo ekis kay Marcial

Orbon sa tulay bumukaka

Pero ayon kay Ginebra coach Tim Cone, wala pa siyang naririnig sa mga boss ng Ginebra kung balak nga nilang piratahin si Abueva.

“Haven’t heard anything,” text ni Cone nitong Sabado sa Abante Sports.

Sinubukan ding kunan ng pahayag ang mga opisyales ng Magnolia partikular si coach Chito Victolero pati na rin si San Miguel Corporation (SMC) Sports director Alfrancis Chua subalit wala pa silang reply sa text message ng Abante Sports habang isinusulat ang balitang ito. (Lito Oredo)

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button

Adblock Detected

Support us by allowing our Ads to show on our website!