Philippines

Alyssa Muhlach perfect dyowa kay JM de Guzman

Itinuloy ni JM De Guzman ang malungkot na kwento ng pag-ibig sa music video ng kanta niyang “Huling Liham” mula sa Star Music.

Isinulat ng mag-asawang composer na sina Moira Dela Torre at Jason Marvin ang kanta para sa malapit nilang kaibigan na si JM, at iprinodyus naman ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

“Tungkol ‘yung ‘Huling Liham’ sa huling sandali bago mo makita ‘yung pagsisisi bilang mga rason para magpasalamat,” sabi ni Moira tungkol sa meaning ng kanta.

“‘Yung moment bago mo matutunang maging grateful para sa oras na kasama mo ang isang tao kahit hindi man ‘yun kasing haba ng inasahan mo,” dugtong niya.

Idinirek din ni Cris Escolano ang music video na karugtong ng music video ng “Asa” na inilabas noong Marso, at nagsisimula ito sa beach kung saan huling nakita si JM na nag-iisip mag-isa.

Tampok sa music video ang kapareha ni JM sa “Pamilya Ko” na si Alyssa Muhlach, na gaya ni JM ay makikita ring binabalikan ang mga masasayang alaala nila sa nasabing beach.

Ipinaalam naman ng mga fans nina JM at Alyssa ang saya nila sa pagsasama ulit ng dalawa, sa pamamagitan ng pagco-comment sa music video sa YouTube.

“Super ganda ni Alyssa… Perfect combination sila ni JM… both are musically-inclined,” sabi ni Liza Lizaso.

“Galing ng composer Moi at Jason, galing din ng singer JM, at ang ganda ng leading lady na si Alyssa.

Magiging bahagi ng bagong EP ni JM ang “Huling Liham” at “Asa” sa ilalim ng Star Music. Isa lang ang actor-singer sa mga artist ng Star Music—na tahanan ng pinakamagagandang OPM music sa bansa mula sa nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN.

Magpasalamat para sa pag-ibig kahit nagtapos na ito at panoorin ang music video ng “Huling Liham” ni JM sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at pakinggan ang kanta sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button

Adblock Detected

Support us by allowing our Ads to show on our website!