Philippines

Dating actress-model Avi Siwa, arestado sa pagbebenta ng COVID-19 test kits

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang actress-model na si Avi Siwa sa isinagawang entrapment operation dahil umano sa hindi awtorisadong pagbebenta ng COVID-19 test kits.


Nabatid na si Siwa ay inaresto ng NBI-International Operations Division sa aktong nagbebenta ng test kits.


Ayon kay Ronald Aguto, hepe ng NBI-IOD, wala umanong maipakitang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA) na siya ay awtorisadong magbenta ng test kit.


Samantala, sinabi naman ng suspek na hindi ilegal ang pagbebenta niya ng COVID-19 test kits.


Depensa ni Siwa, licensed siyang magbenta pero “not as a pharmacist [but as] a trading medical equipment trading company. I have that! I’m registered in DTI, but I can prove myself that I’m not guilty.”


Kaugnay nito, nagkaroon din ng tensyon sa pagitan ni Avi at isang complainant na si Jessilyn Fernando.


Inirereklamo ni Fernando ang modelo sa P16 milyon na halaga ng bigas, na dapat umano’y ipamimigay sa mga residente sa Cebu pero, hindi umano na-deliver ni Siwa.


“Nag-down ako ng 25 percent dun sa usapan naming 10,000 sacks para ‘yan sa mga tao na nangangailangan ng ano… gutom na. Wala siyang napadala,” ani Fernando.


Depensa naman ni Siwa na nag-release sila ng 800 sako at hindi naman niya nabayaran ng kumpleto ang 10,000 kaya si Fernando pa umano ang may utang sa kanya.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Check Also
Close
Back to top button

Adblock Detected

Support us by allowing our Ads to show on our website!