Philippines

HEART, SUMUSUMPANG HINDI NAGPARETOKE NG MUKHA

Nang mag-post ng kanyang vlog ang Kapuso actress na si Heart Evangelista, may mga netizens ang nagtanong kung true ba na nagparetoke siya ng kanyang mga mata.

 

Ibang-iba na raw kasi ang hitsura ni Heart ngayon. Dati-rati ay may pagka-chinita siya at nasa lahi rin naman ng kanyang ama ang pagiging tsinito dahil Chinese ang kanilang mga ninuno.

 

Pero, sey ni Heart, hindi niya ipinagalaw ang kanyang mga mata o kahit na anong parte ng kanyang katawan. Baka epekto lang ng eye make-up kaya hindi na napapansin ang dati niyang chinitang mga mata.

 

Pinatunayan din ng malalapit na kaibigan ni Love Marie (Heart) na walang ipinabago ang aktres. Ang tanging setback o flaw ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ay ang kakulangan niya sa height (5’2″) kaya na-obsessed siya sa high-heeled shoes para magmukhang matangkad.

 

No wonder na sangkaterbang branded shoes ang nasa closet ni Heart na kahit na nasa bahay lang ay isinusuot niya.

 

At dahil celebrity siya at iniidolo ng marami, hindi raw lumalabas si Heart nang hindi nakaayos, naka-make-up at laging may alahas at accessories.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close
Close

Adblock Detected

Support us by allowing our Ads to show on our website!