Philippines

Takot pa rin sa COVID-19… SUSAN, NORA AT CONEY, AYAW NANG MAG-TAPING

Nauna nang nagpahayag ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na medyo nag-aalanganin pa siyang bumalik sa teyping ng Bilangin ang Bituin sa Langit dahil sa dalawang dahilan.

 

Una, wala pang katiyakan ang kaligtasan sa tulad niyang senior na (67 yrs. old na si Aunor) dahil wala pang vaccine against COVID-19 at may asthma pa siya kaya prone siya sa nasabing deadly virus. Inaalala rin niya ang iba pang mahahawa sakaling maging positive siya sa COVID-19.

 

Maging ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces na aktibo pa rin sa telebisyon ay takot pa ring magbalik-trabaho sakaling mag-resume na ang teyping ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

 

Si Susan ang gumaganap na Lola Flora ni Cardo Dalisay sa nasabing serye.

 

Well, for sure, ganito rin ang magiging stand ni Ms. Coney Reyes na major cast naman sa Love of My Life kasama sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Mikael Daez, Rhian Ramos, atbp.. Tiyak na hindi siya papayagan ni Pasig Mayor Vico Sotto na magbalik-taping hangga’t patuloy pang tumataas ang kaso ng COVID-19.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close
Close

Adblock Detected

Support us by allowing our Ads to show on our website!